Binasag ni direk Cathy Garcia ang katahimikan kaugnay sa umano’y pag-unfollow nito kay Daniel Padilla sa Instagram.

Ito’y matapos na kumalat ang mga screenshot pictures na in-upload ng isang netizens na kung saan ay makikitang hindi lumabas ang IG account ni Daniel nang i-search nila ito sa following list ni Direk Cathy.

Aniya, hindi talaga makikita ang account ni Daniel sa kanyang following list dahil hindi niya pa niya ito fina-follow noon pa.

Dagdag pa niya, wag na daw siyang isali dahil wala naman daw umano siyang kaalam-alam sa mga kumakalat na issue.

Ayon sa direktor, “Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito.

“Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa. Di ko alam totoong account niya kasi.

“20 nga lang fina follow ko e. Noon pa. Kaya Huwag na po nating gawing issue.

“Wala nga akong alam inangkupo.”

Noong Martes, Nobyembre 21 ay napansin ng mga nitezens na wala sa following list ng Instagram ni Direct Cath si Daniel sa gitna ng usap-usapang hiwalayan nila ni Kathryn.

Samantala, sa Instagram ng actor ay makikita paring naka-follow ito sa director.

PHOTOS: Kaybasha1326, SupremoD/Instagram

Instagram