Si Talitha Maria Sotto ang unica hija ng showbiz couple na sina Vic Sotto at Pauline Luna ay isang gymnast in the making!

Ibinahagi ni Pauleen Luna sa kanyang instagram account ang tagumpay ng kanilang anak na si Tali sa isang gymnastics competition.

Sabi ng proud mommy “So, so proud of this little girl who joined her very first gymnastics competition today,”

“Of course we weren’t expecting too much since she has only started to learn gymnastics, but we are happy that she did her best!” dagdag pa nito.

Tali Sotto
Photo by: @pauleenlunasotto IG

Nakuha ng bibong bata ang 3 gold at 1 bronze medal sa unang pagkakataon pa lamang na sumali si Tali sa kumpetisyon.

“Woohoo! Way to go, girl! Congratulations, Tali!”. “You made mom and dad so proud!” komento ni Pauleen sa kanyang instagram account.

Sina Pauleen at Vic Sotto ay parehong stage parents sa kanilang anak. Noong nakaraang buwan, ipinakita ni Vic kung gaano ito ka- supportive bilang isang stage dad nang maglakad si Tali sa aisle bilang flower girl.

Instagram