Ini-reveal na ng Dreamscape Entertainment ang makakasama nina Kim Chui at Paolo Avelino sa PH adaptation ng Kdrama series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Kasama sa line-up ang mga beteranong aktor at actress na sina Janice de Belen at Romnick Sarmenta.

Kabilang din sina Pepe Herrera, Angeline Quinto, Franco Laurel, Yves Flores, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, Brian Sy at Kim Won Shik.

Ang Korean hit series na nasa webtoon ay hindi lamang nanguna sa mga lokal na rating nang ipalabas ito noong 2018, ngunit nakakuha din ng malawak na katanyagan sa buong mundo.

Ang “What’s Wrong With Secretary Kim” ay maari nang mapanuod sa susunod na taon sa ABS-CBN at Viu.

PHOTOS: Viu/Instagram

Instagram