For the first time ever, kasama si Gerald Anderson, boyfriend ni Julia Baretto sa Christmas Celebration ng Baretto Family.

“We are all going to be together,” sinabi ni Julia sa ABS-CBN News. “Of course, si Ge [Gerald Anderson] will be with us.”

Simula nang kumpirmahin nilang dalawa sa publiko ang kanilang relasyon noong Marso 2021, madalas na makikitang magkasama sina Julia at Gerald kasama ang pamilya ng aktres.

“Mommy will prepare all the dishes on Christmas Eve. On my end, presence ko na lang. I’ll finish the food… I will enjoy and I will rest,” sabi ni Julia.

“Busy, Count, Busy”

Ibinahagi rin ni Julia na sa sobrang busy niya sa mga projects ngayong taon, wala siyang time para makabili ng mga Christmas presents para sa kanyang mga minamahal.

Kaya salamat kay Mommy Marjorie, siya na lang ang nag-asikaso nito (Mommy to the rescue).

“To be honest, mom will take care of my Christmas gifts to everyone,” she granted. “She said, ‘Just send me your list’.”

Kahit namumuhay na si Julia na hiwalay sa kanyang pamilya, titiyakin niyang magiging masaya ang darating na okasyon kapiling ang pamilya.

Sinabi rin ni Julia kung ano ang kanyang ginagawa para makaiwas ng stress at mga negative vibes mula sa kanyang trabaho.

“They always say this, but I think it really works for me and there’s really magic in counting your blessings,” aniya. “Focus on the good things that are happening in your life, especially now.

Wish this Christmas time

Noong maliit pa lang daw si Julia, walang siyang kamalay-malay sa mga mamahaling bagay sa buhay.

“Now, since it’s Christmas, I gifted myself with something I really love.”

Bumili siya ng isang luxury watch. “That’s my first gift to myself after two years,” sabi niya. “Hindi na ako tulad ng dati na every week, may bagong shoes or bag. Napupunta sa electricity, association dues or bills ang pera ko.”

Ibinahagi rin ni Julia ang kanyang wish para ngayong pasko, katulad ng karamihan, ang tanging hiling niya lamang ay mayakap ang kanyang mga minamahal.

“Everybody probably wishes the same, but sana, next year, mawala na ang pandemic. I just miss hugging everybody any time that I want to.

“It has been a good 2021,” sabi ni Julia. “I am very blessed this year.”

📷 @juliabarretto Instagram

(ABS-CBN)

Instagram