Muling umani nang milyon-milyong views ang bagong TikTok video ni Joshua Garcia.

Nag-trending muli ang aktor matapos itong mag-post ng kanyang third video sa TikTok na isang 10-second clip habang sumasayaw na may caption na, ‘call me’.

Sa loob lang ng 19 oras ay umani na ng 18.6 million views at 3 million reacts ang post ni Joshua.

Maraming netizens naman ang kinilig sa bagong video ng aktor:

“Ang tindi ni baby Joshua,” comment ng isang follower.

“Unang bungad sa maganda kung araw at ikaw yun Joshua my love,” sulat ng isa pang fan.

“Hirap naman gayahin ng TikTok ni Joshua unang step dapat gwapo agad,” pagbibiro naman ng isang netizen.

Sumali ang aktor sa TikTok nakaraang Disyembre at nakakuha agad ito ng kalahating milyong followers sa loob lang ng ilang oras.


Source: ABS-CBN News


Instagram