Naglabas ng saloobin si Nadia Montenegro sa kanyang social media account matapos madukutan ang kanyang ina ng P130, 000 sa loob lang ng tatlong minuto sa isang membership shopping store na S&R sa Novaliches nitong Miyerkules, Marso 2.

“Pinagkumpulan nyo nanay ko!!!pinagplanuhan nyo nanay ko. Senior citizen! Nagtrabaho NG ilang taon SA amerika, naghirap! Tapos nanakawin nyo lang?

Unacceptable! God will put you in your proper places! Napatawad ko na kayo. Now its time to pay for the consequences of your evil actions!” sulat ni Nadia sa kanyang Facebook page.

“How can this happen inside a membership club? We are not safe anywhere. [Good] thing my mom, I and sisters are safe,” dagdag pa ng aktres.

Ayon kay Nadia, tumugon naman ang pulisya upang imbestigahan ang nasabing insidente.

Kweninto din ng aktres sa kanyang live video ang nangyaring pagnanakaw.

“Hi guys! I don’t like doing this, but I’m very, very scared at the moment. My sister Tanya called me that my mom’s wallet was stolen by seven people who entered as members,’ kwento ni Nadia.

Source: GMA News



Instagram