Pati na rin ang mga cute na Teletubbies ay nakisali sa “Super Tuna” challenge ni Jin, isang BTS member sa kanilang pinaka-unang TikTok dance video!

Sa kanilang 13-second clip na ibinahagi nila sa social media, makikitang sumsayaw sina Tinky Winky, Dipsy, Laa-Laa, at Po ng sarili nilang version ng fishy moves na ginawa ni Jin.

Dahil sa smooth buttery moves ng Teletubbies, umabot ng halos dalawang milyong views ang kanilang video! Ito rin ang top viewed at liked content nila sa kanilang TikTok feed.

Natuwa rin ang mga BTS fans sa performance ng Teletubbies at sinabi nila na maganda ang kanilang pagsayaw, at may iba namang nagsasabi na ito ang “crossover” na kailangan nilang makita.

Libu-libo ang nag-kumento sa TikTok video.

Nilabas ang “Super Tuna,” noong kaarawan ni Jin nitong Disyembre at instantly ito naging viral sensation. Sa loob lamang ng limang araw, umabot ito agad ng 20 milyong views sa YouTube.

@teletubbies Of course the Teletubbies first ever TikTok dance was the #supertunachallenge – how do you think they did? 💜💚💛❤️ #bts ♬ Super tuna – La_lim💜❤️

Instagram