Inamin ng sexy actress na si AJ Raval na sumailalim siya sa breast augmentation noong 2020.

Binanggit ni AJ ang tungkol sa breast implants sa kanyang recent press conference para sa pelikulang “Crush kong Curly” kasama ang kanyang leading man na si Wilbert Ross.

Aniya, desisyon niya mismo ang pagpapalagay ng implants matapos na may mag-suggest nito, aniya, “Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado.”

Pero ngayon ay balak na niyang ipatanggal ito dahil hindi na siya kumportable at hindi sanay na may foreign particle sa kanyang katawan.

”Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year.

“I’m planning po, kasi last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun. Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.

”Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious. Planning po ako next year na ipatanggal,” lahad niya.

Hindi naman raw tutol ang Viva Management sakaling ipatanggal niya ang kanyang boobs..

Instagram