Tila marami na ang napapaniwala na ang 2021 ay year of break-up!

Ito ang usap-usapan ngayon ng mga Marites dahil sa mga kaliwa’t kanang hiwalayan ng mga celebrities.

Kahapon lang kasi, inanunsyo ng couple singer na si Camila Cabello at Shawn Mendes ang kanilang hiwalayan matapos ang dalawang taon na relasyon.

Nagpost sa kani-kanilang IG stories ang dalawa ng parehong statement kaugnay ng kanilang break-up.

Batay sa pahayag, magpapatuloy ang relasyon ng dalawa bilang mag-bestfriends.

Naging magkaibigan ang dalawa limang taon na ang nakalilipas matapos unang magkita nang magkasamang magperform bilang opening acts sa tour ng YouTube sensation na si Austin Mahone.

Miyembro pa noon ng girl band na Fifth Harmony si Camila kasama sina Ally Brooke, Normani, Dinah Jane at Lauren Jauregui.

Marami na ring nagawang sikat na kanta ang dalawa, kabilang na ang Señorita at I know What You Did Last Summer.

Instagram