Kilala si Gigi de Lana bilang isang online singing sensation, kaya sa teleserye na “Hello Heart,” ito ang unang beses na sasabak siya sa ganitong larangan, ano kayang “guidance” ang ginawa ni Kapamilya actor Gerald Anderson para sa kanya? Alamin!

Sa isang virtual press conference ng palabas, ibinahagi ni Gerald na sinigurado niya na magiging komportable sa kanya si Gigi.

“Hindi mo make-create ‘yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it’s her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment,” sabi niya, batay sa ulat ng PhilStar.

Kaya, hindi dapat natin i-underestimate ang power ng pagiging magkaibigan. Kahit nasa hindi ka pamilyar na lugar, kung may determinasyon, at may kasama ka, malalagpasan mo rin yan, tulad ni Gigi.

“It’s my first time doing this kasi puro kanta ako, di ba? Talagang na-pressure ako pero alam ko naman na gagawin ko ‘yung best dito sa project na ito. I will give 100% para sa series na ito. Kahit first time ko ito, gagawin ko siyang parang ‘di ko first time,” pahayag ni Gigi.

Dagdag rin ni Gerald na habang nag-shoshoot sila para sa series, naramdaman niya na “we made magic” at nag-nanais siya na ito rin ang mangyayari sa Disyembre 15.

“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15,” aniya.

Iba talaga ang magic ng friendship.

Sabi rin ni Gerald na magiging proud ang Kapamilya Network kay Gigi.

“ABS-CBN will be so proud of her. ‘Yung mga fans sobrang magiging proud din sa kaniya. Kasi napapanood siya sa YouTube sa ginagawa niyang mga kanta, ito ibang platform,” aniya.

“Outstanding. Not just with the performance but also sa effort na binigay niya, ‘yung passion na binigay niya. Alam mo talagang she cares for this. Malayo pa ang mararating sa platform na ito,” dagdag niya.

Ipapalabas ang “Hello Heart” sa Disyembre 15 exclusively at free sa iQiyi app.

📷 @andersongeraldjr Instagram

(PhilStar)

Instagram