Dahil nagkakaubusan sa supply ng paracetamol sa mga drug stores, nakahanap ng ibang paraan ang netizen kung saan pwedeng makabili ng Biogesic.

May isang netizen na matapang na nag-message kay Kapuso star John Lloyd Cruz sa social media na nagtatanong kung maaari ba siyang makakuha ng paracetamol brand sa kanya.

Matatandaang si John Llyod, ay naging endorser ng popular na paracetamol brand noong nakaraang taon.

“Idol Popoy. Baka naman meron tayo jan Biogesic. Kahit tatlong banig lang idol. Nagkakabusan na sa mga drugs stores eh. Solid fan mo ako bro since Tabing Ilog days. Ingat!” sulat ng netizen.

Kakaibang paraan upang makakuha ng gamot.

Ang paracetamol ay isang medication na ginagamit upang magamot ang lagnat at mga mild pains.

May mga ulat na nagsasabi na may shortage ng paracetamol ngayong flu season sa bansa.

Ngunit, tinatanggi ito ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI).

📷 @johnlloydcruztm Instagram

(Manila Bulletin)

Instagram