Congratulations to Mikael Daez at Megan Young sa kanilang pagdiwang ng 11th year ng kanilang pagsasama!

Ibinahagi ni Mikael sa Instagram ang isang video na nagpapakita ng kanilang memorable trips, kasama rin doon ang isang adorable na kwento patungkol kay Megan kung saan naalala niyang bumati kay Mikael sa kanyang birthday, pero hindi sa kanilang anniversary.

“Eleven years together and still so many stories to share. For the very first time, Boneezy was able to greet me at exactly 12 midnight on my birthday. Ngunit, bumati siya ng “Happy anniversary” much later because she got so excited that she managed to remember my birthday on time,” sulat ni Mikael.

May ibinahagi rin si Megan na nagmamarka ng kanilang anniversary, nag-post siya ng isang nakakatawang video ng kanyang asawa na nasa bathtub habang nakasuot ng face mask.

May sinabi rin siyang sweet na mensahe para sa kanyang hubby.

“It’s moments like these that I really think twice, I mean, that I fall in love with you more,” aniya na may hashtags “11 years with you” at “bonezfofo.”

Kitangkita talaga na matibay ang bonding ng dalawa at malalim ang pagmamahal nina Megan at Mikael sa isa’t isa, plus, hindi pa sila nakakasawang panoorin.

Dalawang beses nagpakasal ang Kapuso couple noong 2020, una noong Enero 10 sa isang ceremony sa Batangas, at ang isa naman ay sa Zamabales noong Enero 25 na may 15 na araw lang ang pagitan.

📷 @mikaeldaez Instagram

(GMA Network)

Instagram