Naisilang na ni Lovely Abella ang kaniyang baby boy sa actor-dancer na si Benj Manalo nitong Linggo, September 17, 2023, base sa kaniyang Instagram post na may kasamang litrato habang nagpapa-breastfeed sa sanggol nitong si Liam Emmanuel.

“Di ka man lang nagpaganda,” panimulang caption nito sa kaniyang post. “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko,” dagdag pa nito.

Kitang-kita naman na hindi naging madali ang pinagdaanan nito sa pagbubuntis sa kaniyang pangalawang anak base sa kaniyang post.

Ikukwento umano ng mag-asawa ang kabuuan ng kanilang mga naging karanasan bago ipanganak si Liam Emmanuel, sa vlog nito sa darating na Sabado, September 23.

Samantala, nagpapasalamat ito sa Panginoon dahil sa napakagandang reward nitong natanggap gayundin sa mga doktor at sa iba pang mga naging bahagi ng matagumpay nitong panganganak.

PHOTO: Lovely Abella/Instagram

Instagram