Naaalala mo pa ba ang luxurious home ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao sa Forbes Park, Makati?

Pumalo na ang halaga nito ngayon sa PHP2,300,000,000 batay sa  Presello.com, isang real-estate firm na kilala sa pagbebenta ng mga multimillion properties sa Metro Manila at mga katabing probinsya.

Sa ulat ng pep.com, Presello.com din ang nag appraise ng mamahaling mansyon noong August 2020 sa halagang PHP1,500,000,000.

Ang Zen inspired Luxury mansion ay may floor area na 1,525 square meters at nakatayo sa 2,000 square meter land area.

Mayroon itong 5 bedroom, 7 bathrooms, bagong-renovate na pool, malawak na garden, garahe na kasya ang apat na sasakyan at iba pa.

Nabili ni Manny at Jinkee ang mansyon noong 2011 sa halagang P388 million.

Instagram