Naging crowd’s favorite sa katatapos lang na Miss Universe 2021 pageant sina Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez.

Ayon kasi sa post ng celebrity manager na si Tristan Cheng sa kanyang Instagram na ibinahagi din ni Dingdong Dantes sa kanyang IG stories ay marami ang naghiwayan at taas noong sumisigaw ng Philippines.

“[Philippines] represent! Two of the crowd’s favorite!” Tristan wrote in the caption.

“Nayanig ang Eilat sa dami ng nag cheer, humiyaw at taas noong sumisigaw ng Philippines,” aniya pa “You made us proud Bea and Marian.”

Makikita sa larawan na magkahawak kamay ang dalawa na nagpapakita ng suporta sa isa’t-isa.

Kahit na hindi nasungkit ng Pilipinas ang korona, masaya naman ang mga Pinoy sa ibinigay na karangalan ng dalawang Pinay sa bansa.

Nakaabot si Bea hanggang sa Top 5, pero hindi na siya umusad sa Top 3.

Si Marian naman ay isa sa miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe.

Samantala, maraming netizens din ang masaya sa pagkapanalo ni Harnaaz Sandhu ng India

Miss Universe Organization

Instagram