Sa kaarawaan ng Kapuso actor na si Jak Roberto, binigyan siya ng isang sweet loving message ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

Pinost ni Barbie ang kanyang mensahe para sa boyfriend sa pamamagitan ng Instagram.

Pagkatapos mong basahin ang message ni Barbie para kay Jak, mapapa-sana all ka na lang talaga sa pagmamahal nila sa isa’t-isa.

“Happy birthday, Mahal! @jakroberto,” sulat niya.

“Stay driven and grounded. Alam kong makukuha mo lahat ng goals mo kase masipag ka, mahal mo yung trabaho mo at higit sa lahat, mabuti kang tao,” dagdag ni Barbie.

“Tuloy mo lang yan, mahal. Proud na proud ako sayo.”

“I love you so much ❤️”

Maiksi man ang message, pero punong-puno naman ito ng pagmamahal at mararamdaman mo na super proud si Barbie sa kanyang boyfriend.

At nireplayan siya ni Jak ng, “I love you so much [three hearts emojis]”

A man with few words, I guess.

Binati rin si Jak ng kapwa niyang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Kristoffer Martin, Shaira Diaz, Yasmien Kurdi, Kim Rodriguez, Tina Paner, at Ashley Ortega.

Ngayong araw, December 2, ipinagdiriwang ni Jak ang kanyang ika-28 na kaarawan.

(📷 @barbaraforteza Instagram)

Instagram