Inanunsiyo ni international theater star Rachelle Ann Go na buntis na siya sa kanyang baby no. 2.

Ibinahagi ni Rachelle sa social media ang mga snaps kasama ang asawang si Martin Spies at anak na si Lukas Judah sa kanilang family moment sa Cape Town, South Africa.

Kitang-kita ang baby bump sa mga pictures na pinost ng celebrity mom na may caption na, “Hello December! Hello Baby #2.”

Umani naman ito ng mga pagbabati at congratulatory message mula sa mga followers at kapwa celebrities gaya nina Yeng Constantino, Isabel Oli at Mark Bautista.

Si Go ay isang Filipina singer at aktres na naging successful Broadway star abroad.

Ikinasal sila ng kanyang mister na si Martin Spies noong Abril 2018 sa Boracay at ipinanganak ang kanyang panganay na si Lukas noong March 2021 sa London.

via John Dennis Delgado, trainee

Instagram