Si Kapamilya actress Andrea Brillantes ang nanatili sa top list ng Filipino celebrities na may pinaka-maraming followers sa TikTok sa ikalawang sunod na taon.

Mayroong siyang 15.6 milyong followers sa social media platform, halos dumoble simula nooong 2020.

Si Sanya Lopez naman ang nakakuha ng pangalawang puwesto na may 11.8 milyong mga followers, at si Mona, ang kapatid ni Ivana Alawi, umakyat sa pangatlong spot na may 11 milyong followers.

Ang Korean actress na si Dasuri Choi ang kumuha ng pang-apat na puwesto na may 10.7 milyong followers at si Maymay Entrata, isang Kapamilya star ang nasa top 5, na may 8.6 milyong subscribers.

Samantala, bumaba ang ranking ni Vice Ganda, mula top 3, ngayon top 6 na lamang. Kabilang rin sa top 10 sina AJ Raval, Kyline Alcantara at Sofia Pablo.

Kamakailan, naglabas ang social media site ng TikTok 100, ito’y isang curated list ng mga “most followed creators and viral trends of the past 12 months.”

Ang nangunguna sa listahan ng TikTok Stars para sa 2021, ay sina Spencer Serafica, LITE, Mrs. Harisson, vlogger Niana Guerrero at Nicole Caluag.

Si Andrea Brillantes, at Vice Ganda ang top most followed PH celebrities list sa TikTok

Para sa mga food creators naman, ang aktor na si Marvin Agustin topped the Top 10 ranking ahead kay Ninong Ry at Chef Hazel.

Si Kiel Rodriguez naman ang TikTok’s top livestreamer at sinundan ito ni Eson Cap at Jiro Morato, habang #SquidGames ang most used hashtag challenge noong nakaraang taon.

(ABS-CBN)

Instagram