Bea-Alonzo-Tanduay-Calendar-Girl-2022-photo-3
Bea-Alonzo-Tanduay-Calendar-Girl-2022-photo-4
Bea-Alonzo-Tanduay-Calendar-Girl-2022-photo-5
Bea-Alonzo-Tanduay-Calendar-Girl-2022-photo-6
Bea-Alonzo-Tanduay-Calendar-Girl-2022-photo-1

“Beautiful, Sexy and Classy,” ito ang isa sa mga salitang ginamit upang ilarawan ang napiling bagong calendar girl ng Tanduay, at iyan ay walang iba kundi ang Kapuso Aktres na si Bea Alonzo.

They did it again! never once did Tanduay fail to promote the beauty and elegance of their calendar girl, at ngayon si Bea ang kanilang napili.

Officialy ipinakilala ng Tanduay ang kanilang bagong model sa kanilang Facebook page kahapon sa pamamagitan ng isang short film na may pamagat na “The Perfect Match.”

Ipinakita ni Bea ang kanyang kagandahan at pagiging fierce pero elegant at sexy pa rin sa pagsuot ng iba’t ibang damit sa film, nagsuot siya ng peach backless dress, pink see-through corset, at isang purple metallic bikini top.

Bea Alonzo Tanduay Calendar girl 2022

Pagtingin mo pa lang sa kanyang mga mata, ma-hohook ka na agad sa kanyang mundo at mapapansin mo sa iyong sarili, hindi ka na maka-look away.

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022

Ayon sa digital brand manager na si Edzel Ty, pinili nila si Bea dahil siya’y “confident, trusted, sexy, and classy.”

Ibinahagi naman ni Bea na ito na raw ang pangalawang beses na kinausap siya ng Tanduay, pero ngayon, alam niya na handa na siya. Ilan sa mga preparation na kanyang ginawa para dito ang pag-wowork out at ang pagkakaroon ng healthy diet.

Bago ang big reveal, bit by bit ipinakita ng Tanduay Rhum kung sino ang kanilang bagong calendar girl sa pamamagitan ng pag-post ng mga posters na pinapakita ang features ni Bea, na may kasamang “It might B you.”

Bea Alonzo It Mught be you Tanduay Calendar Girl 2022

Meron din mga seven-second teasers silang nilabas, kung saan inilarawan si Bea na siya’y “beautiful in all aspects,” at mayroong “elegance that never fades,” pati na rin “an alluring grace worthy of admiration.”

Kabilang sa mga former Tanduay girls ay sina Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Bela Padilla, Heart Evangelista, Erich Gonzales, at Barbie Imperial.

(GMA NEWS)

📷 Tanduay Official Facebook Page

Instagram