Sinasabi nila na itong taong 2021 ay year ng mga break-ups, parang totoo nga talaga sapagkat may isa nanamang couple ang kumpirmadong nag-break up na, sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez and DJ Kate Jagdon.

Kahit pitong taon na silang magkasintahan, hindi pa rin nakayanang malagpasan ang naging problema.

Si Kate mismo ang nag-kumpirma ng kanilang break-up na ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story.

Aniya, itong mga nakalipas na linggo ang pinaka-mahirap na panahon sa kanyang buhay.

“It was a conscious decision to keep quiet, after all, this is a personal matter and I chose my privacy above everything else,” sulat ni Kate.

“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation. This statement will be short before rumors and falsification get out of hand. Bea and I have parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more,” dagdag niya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ang dahilan ng kanilang break-up, at wala pang binibigay rin na pahayag si Bea patungkol sa isyu.

Sa Instagram story ni Kate, nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan “for holding her hands during this difficult time.”

Sa huli, ipinakita niya na hindi sila “bad blood” ni Bea sapagkat nag-wish si Kate ng best of luck sa ating pambato sa Miss Universe 2021.

“We all go forward with love and respect, and I wish Bea the best of luck in her journey. At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you,” sabi ni Kate.

📷 kate_jagdon and beatriceluigigmz Instagram post

Instagram