Dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Chie Filomeno, inaming may crush siya kay Kyle Echarri, isang aktor at mang-aawit noong nagkasama sila sa bahay ni Kuya.

Noong bumisita si Filomeno sa “Magandang Buhay” kahapon, na-hot seat siya ng mga hosts at tinanong kung sino ang kanyang naging crush o nagustuhan niya romantically sa loob ng bahay ni Kuya o Big Brother.

“Grabe ‘yung romantically. Pwedeng crush muna?” sabi ni Filomeno sa mga host ng pang-umagang programa, batay sa ulat ng ABS-CBN News.

Pagkatapos nito, matapang na ipinakita ni Filomeno ang larawan ni Echarri.

“Kasi parang sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” sabi ni Filomeno.

Kinuha na rin ni Filomeno ang oras na ito upang linawin ang pagiging malapit nilang dalawa ni Echarri noong nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya.

Matatandaang may ilan na hindi nagustuhan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

“Ang nagsabi sa akin actually ay ‘yung mga boss ng ‘PBB.’ Nag-debrief po kasi. And then, ‘yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi kami ‘yung parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” paliwanag ni Filomeno.

Noong nakaraang buwan, parehong napatalsik sa PBB House sina Filomeno at Echarri.

Para kay Filomeno, hindi matatawaran ang karanasan niya bilang isang housemate.

“Ang pinaka-realization ko talaga ay kahit anong mabato sa aking obstacle ay kakayanin ko po talaga. And ‘yung patience ko ay humaba rin talaga. Akala ko sa labas ay mahaba na ‘yung patience ko pero mas hahaba pa pala ang patience ko sa loob ng bahay,” sabi ni Filomeno na dating miyembro ng grupong GirlTrends ng “It’s Showtime.”

📷 @chiefilomeno & @kyleecharri Instagram

(ABS-CBN News)

Instagram