Tinamaan din ng COVID-19 ang tatlong anak ni Iya Villania at Drew Arellano na sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Alana Lauren.

Unang sinabi ng 35-year-old Kapuso mom na nagpositibo silang mag-asawa sa COVID-19 at pansamantalang mahihiwalay sa kanilang mga chikiting dahil sa quarantine.

Nitong Enero 13, 2022, isiniwalat ni Iya na tinamaan na rin ng COVID ang kanyang pangalawang anak na si Leon at nagkaroon ito ng lagnat.

Kahapon naman, nagsimula na rin ang day 1 ng kanilang panganay na si Primo matapos rin itong hawaan ng sakit.

Nito lang ding Biyernes, sinamahan na sila ng kanilang bunsong si Alana sa pag-quarantine matapos makitaan rin ito ng mga sintomas ng virus.

Matatandaang unang nag-positibo sa COVID-19 ang mag-asawang Iya at Drew at nag-isolate sila sa isang kwarto’t nakahiwalay sa mga bata para maiwasang mahawa ang mga ito.

Pero nangyari pa rin ang kinatatakutan ni Iya dahil nilagnat na rin ang mga anak nila. – MAS/TodoMag

Instagram