Lubos na nalungkot si Alden Richards nang malipat ang Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang miyembro ng Legit Dabarkads sa TV5.

“Sa personal, syempre, malungkot ako,” pahayag ni Alden sa mediacon ng Battle of the Judges.
“Matagal ko na silang kasama. “It’s a good six, seven years of my entire career. I’m eleven, turning twelve years in the industry. So most likely, kalahati ng buhay ko sa Eat Bulaga!, nasa Eat Bulaga! po ako.

Bagama’t hindi siya makialam sa desisyon ng pamunuan, malungkot siya na hindi na siya makakabalik sa pamilya ng Eat Bulaga. Gayunpaman, nanatili silang magkaibigan, kahit sa labas ng kamera.

Mas pinalalim pa raw ang relasyon niya sa mga Dabarkads sa kabila ng paglipat ng TV5.

Naitanong kung maaari siyang mag-promote sa revamped Eat Bulaga! o It’s Showtime ng GTV, sinabi ni Alden na nagpapasalamat siya kay Ms. Annette Gozon, ang pagiging Dabarkads niya ay mananatili.

“Malaki po ang pasasalamat ko kay Ms. Annette Gozon. Kasi, sa kanya ko po in-open up ito. “Sabi ko, ‘Ms. Annette, ngayon pa lang po, sasabihin ko na po na everything that has happened in the noontime world natin ngayon sa Pilipinas, ahh kung puwede hingin ko lang po na… “‘Kumbaga, alam niyo naman po kung saan ako galing. Alam niyo po yung of course in terms of yung relationship na meron ako, siyempre po, nandito po yun sa TVJ and sa Eat Bulaga!’ sabi ni Richards.

Alden Richards,loyal sa TVJ
screengrab aldenrichards02 IG

Bagama’t may mga alok na mag-guest siya sa It’s Showtime o revamped Eat Bulaga!, hindi pa siya nagdesisyon. Dahil ang puso niya ay nasa Dabarkads.

Ipinapahayag ni Alden ang kanyang katapatan sa orihinal na Eat Bulaga! Dabarkads at hindi kinakailangang magtago nito sa mediacon ng Battle of the Judges.

“Alam ng Kapuso management iyon. Wala pong pagbabawal. Tahimik lang po ako, hindi po ako nakisawsaw,” sabi niya.

Nagpapakumbaba siya at inaantay na mag-isyu ng alok ang It’s Showtime o revamped Eat Bulaga! Pero sa ngayon, ang puso niya ay nasa Dabarkads.

“So if it’s about promo, OK po. Pero as a guest or regular host, baka hindi po muna. “Kasi of course, yung puso ko po is with the Dabarkads.” paliwanag ni Alden.

Instagram