Diretsahang inamin ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa national TV na nag-confess siya sa dati nitong ka-loveteam na si Maine Mendoza at nagkagusto rin kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

‘Yan ang bonggang rebelasyon ni Alden sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk” episode kahapon.

Pahayag ni Alden, “Sa Eat Bulaga, best friends sila ni Pauleen Luna eh, so every now and then, si Pia would go there to say hi to Pauleen.”

“Nakikita ko siya na hindi naka-glam, ‘yung puso niya mabuti, and then after she won (sa Miss Universe pageant) parang grabe!” dagdag pa nito.

Ayon kay Alden hindi sya umamin ng kaniyang feelings kay Pia.

Samantala, buong tapang din nitong inamin na na-fall din sya noon sa kaniyang ka-loveteam na si Maine.

Tinanong siya ng King of Talk Boy Abunda kung nagkagusto ba siya kay Maine noong panahon ng kanilang AlDub loveteam.

Pag-amin ng binata “Yes, hypocrite po ako kung hindi. Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess,”

Nabanggit ng aktor na super grateful and thankful siya kay Maine pati na sa “Eat Bulaga” dahil sa mga blessings at swerteng dumating sa buhay niya.

Dagdagpa ng aktor “Ang daming opportunities na dumating sa buhay ko because of it. I’m very grateful to Maine.”

Tungkol naman sa pagkabuwag ng AlDub, parang “break-up” na rin daw ito para sa kanya pero nilinaw naman niya agad na hindi lahat ng break-up ay masama at masakit.

PHOTOS: Alden Richards, Maine Mendoza, Pia Wurtzbach/Facebook

Instagram