Sa latest interview sa vlog ni Toni Gonzaga, ni-reveal ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga na muling nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis last month.

Tinago nilang mag-asawa ang pagbubuntis nito, ngunit pagdating ng Oktubre ay nakatanggap sila ng masamang balita.

Ayon sa aktres, sinubukan nila ng kanyang asawang si Mikee Morada na mag-undergo sa In-Vitro Fertilization (IVF) pero nabigo sila.

“First punta namin, ano e, walang nakikita e. Tapos may nakitang mass, sa fallopian tube. Tapos nakikita ko hindi na maganda ‘yung mga nangyayari”.

Aniya,  naririnig niya ang mga doktor na nag-uusap tungkol sa mga medikal na terms na hindi niya maintindihan. Para sa kanya, iyon ang sign na may mali.

“So alam ko na may something wrong doon sa second pregnancy. Sabi nila, we have to wait. Ganon din nangyari sa amin sa first pregnancy namin. We have to wait another week to see baka naman it’s slow,” dagdag pa aktres.

Tinanong din ni Toni kung ano ang dahilan bakit nag pa IVF ito.

Sabi ng aktres, na-inspire ito kay former USA first lady, Michelle Obama na asawa ni former US President Barrack Obama.

“Nag-decide akong mag-IVF kasi nakita ko si Michelle Obama. Basta nakita ko lang nu’ng sinabi niya na nagkaroon siya ng miscarriage tapos after 2 years, hindi sila makapag-conceive ni Barrack. So sabi niya, mag-IVF siya. So by 34, nag-conceive siya. Tapos by 36, nag-conceive siya. Through IVF pareho ‘yung anak nila. Kasi nga, ayaw na niya mag-waste ng time.”

Nagpapasalamat din siya sa asawang si Mikee, na sinabi niyang very supportive at hindi ipinaramdam sa kanya na siya ang may kasalanan.

“Na pre-presure ako na magka anak”

“Si Mikee pwede nang bigyan ng…kasi napakabait niyan. Sabi niya, ‘Okay ako.’ Sabi ko, ‘Mikee, I’m sorry. Hindi na naman natuloy.”

“(Mike) ‘Hoy, ano ka ba, hindi mo kailangan mag-sorry. Dami pa nating embryo. Go lang,'”

Kung matatandaan, ang unang miscarriage ni Alex ay noong October 2021.

PHOTOS: Toni Talks/Youtube

Instagram