Nailibing na si Yzabel Ablan na anak ng aktres na si Janna Dominguez at non-showbiz husband nitong si Mickey Ablan sa La Pieta Memorial Park sa Angeles, Pampanga , kahapon, October 12, 2023.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng isang short video si Mickey na may caption na  “God Above All [heart, praying hands, sad face emojis]. “I Love you so much Yzabel Ablan [heart emojis]”, kung saan yakap-yakap nito ang kabaong ng anak.

Makikita din sa video na nasa gilid lang din nito si Janna na humahagulhol din.

Ayon sa mag-asawa, matagal din umano nilang pinag-isipan kung cremation ba o normal na libing ang ibibigay sa kanilang anak.

Pero sa huli normal na libing ang kanilang pinili  dahil nais daw nilang may lugar na mapupuntahan tuwing may okasyon.

Matatandaan na binawian ng buhay ang anak ng komedyante dahil sa heart failure at lung infection.

PHOTO: Janna Dominguez/Facebook

Instagram