Nagbigay pugay sa namayapang veteran actress na si Susan Roces ang mga katrabaho nito sa FPJ’s Ang Porobinsyano.

Kasama sa mga dumalo ang lead actor na si Coco Martin, Sharon Cuneta, Jaime Fabregas, John Arcilla, Richard Gutierrez at John Prats.

Naroon din si Gary Valenciano na nag-alay ng awiting “Huwag Ka Ng Umiyak” na theme song ng Ang Probinsyano.

Sinariwa ng cast ang mga masasayang alaala kasama si Susan Roces na gumanap na Lola Flora sa teleserye.

Nagpasalamat naman ang anak niyang si Senator Grace Poe sa pagdalo ng cast ng longest-running soap na Ang Probinsyano sa luksang parangal ng kanyang ina.

“Maraming salamat sa ABS-CBN at Ang Probinsyano sa pagbibigay ng pagkakataon sa aking ina na maipagpatuloy ang trabahong mahal niya at manatiling bahagi ng buhay ng mga manonood na Pilipino,” bahagi ng caption ni Poe sa kanyang Facebook post.

Pumanaw si Susan Roces ang tinaguriang ‘Queen of Philippine Movies’ sa edad na 80 nitong Biyernes.

COURTESY: Grace Poe/Facebook

Instagram