Ibinahagi ni Charlene Gonzalez- Muhlach sa kanyang Instagram ang mga update, kasama ang mga larawan ng contract signing ng anak.

“We knew that Entertainment was something you always dreamed of and will be part of you someday. Now that you are finished with your studies. You can now fully chase your dreams,” sabi ng dating beauty queen sa kanyang post.

courtesy of itsmecharleneg IG

Your dad and mom’s first movie was done with Viva Films and soon your first movie will be with Viva films as well. To see you continue and start your career with them gives us the utmost joy,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Charlene na hilig ni Atasha ang anumang anyo ng sining habang lumalaki,mula sa pagpipinta, pag-arte, pagkanta, pag tugtog ng mga instrumento, at pagsasayaw.

Hindi raw itinuturing ni Atasha na kahinaan ang pagiging anak ng mga kilalang personalidad sa industriya. Sa katunayan, sinabi niya na nakakatulong ito sa kanya upang humingi ng payo dahil matagal nang nasa industriya ang kanyang mga magulang.

“Be yourself, always be kind, always be respectful and always take any opportunity given,” payo mula sa kaniyang mga magulang.

Sa press conference, sinabi ni Atasha na nais niyang subukan ang maraming bagay, kasama na ang pagsunod sa yapak ng kanyang ina sa pagiging isang beauty queen.

Instagram