Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), sinasabing si Briguela ang nagdulot ng gulo sa Bolt Hole Bar sa Poblacion, Makati hanggang siya ay hulihin ng pulisya bandang mga 5 a.m. ng Huwebes.

Isinampa na ang mga kriminal na kaso laban kay Awra Briguela matapos siyang arestuhin sa labas ng pub sa Makati City dahil sa isang away na kinasangkutan niya, ilang indibidwal kasama na ang mga empleyado ng bar na kanyang pinuntahan. Si Briguela, na kilala bilang McNeal Briguela, ay kinasuhan ng mga kasong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault. Ang kanyang kaso ay isusumite sa tanggapan ng prosecutor ng lungsod para sa inquest proceedings.

Awra Briguela
photo by:Makati Police Station

Ayon sa kumakalat na video, ang 19-anyos na Kapamilya star, di umano ang sinimulan ng gulo kasama ang grupo ng mga nag rereklamong si Mark Christian Ravana. Sinabi ng pulisya na lumapit umano si Briguela at ang kanyang mga kaibigan kay Ravana at naghamon na tanggalin niya ang kanyang damit. Nang tumanggi si Ravana, sinundan daw ito ni Briguela at kinuyom ang kanyang damit, na nagresulta sa mainit na pagtatalo, na lalo pang lumala nang sumali ang mga kaibigan ng artista,ayon sa pulisya.

Tumawag ng tulong sina Ravana at Angelo Nino Gulmatico, isang bouncer sa bar, sa Poblacion Police Substation, na agad na tumugon sa lugar. Gayunpaman, tumutol umano si Briguela sa pag-aresto at gumamit ng di magagandang salita habang sinisikap siyang posasan ng mga pulis.

Gayunpaman, itinanggi ni Zayla Nakajima, kaibigan ni Briguela at content creator, ang mga paratang ni Ravana at Gulmatico. Sa isang ngayon-deleted na Facebook post, sinabi ni Nakajima na sinubukan umano siyang sekswal na harasin ni Ravana, at ang tanging ginawa ni Briguela ay ipagtanggol siya at ang kanilang grupo.

Instagram