Tila may pinapahiwatig si Willie Revillame sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang bagong kanta na pinamagatang “Babalik Ako.”

Agad itong naging usap-usapan sa social media at nagdulot ng excitement sa mga tapat na manonood ng programang Wowowin.

willrevillame IG

Ikinatuwa at na excite ang mga tagapakinig sa bagong kanta ni Willie na “Babalik Ako” dahil sa catchy na tugtugin at makabagbag-damdaming mga linya nito, na nagpapakita ng dedikasyon at pagmamahal ni Willie sa programa. Ipinapakita ng awitin ang tagumpay at kasiyahan na hatid ng Wowowin sa mga tahanan ng bawat Pilipino.

Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye ang inilalabas tungkol sa pagbabalik ng variety show na Wowowin.

Instagram