Sa kanyang “Fast Talk” Tuesday episode, kinumpirma ng “King of Talk” na nag-reunion sila ng kanyang long-time friend na sa Kris Aquino sa Los Angeles, California noong nakaraang Oktubre 25.

 

Inamin naman nito na naging emotional siya nang makita ang kanyang kaibigan na patuloy na lumalaban sa kanyang mga sakit matapos na hindi magkita ng mahabang panahon. Ayon sakanya, sinabihan niya si Kris na “Magpagaling ka, gagawa tayo ng palabas.” “It was a happy, beautiful reunion,” ang paglalarawan ni Tito Boy sa kanilang pagkikita ng kanyang kaibigan.

Klinaro naman ni Tito Boy ang mga usap-usapan na kailangan pang manatili ni Kris ng 15 hanggang 18 buwan sa Amerika.

“Ang dahilan po noon ay dahil ‘yung meds na kailangan ni Kris ay available lamang doon. At saka ‘yung accessibility sa doctors ay kailangan po ‘yun,” saad nito.

Nag-request naman umano si Kris na iparating sa kanyang mga supporters ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagdadasal para sakanyang kondisyon at sana’y hindi lang siya ang ipagdasal, kundi ang mga tao na nasa paligid niya lalong-lalo na ang kanyang mga anak at kapatid.

“Doon ko na-realize na tama nga naman. When we pray for somebody who doesn’t feel well, let’s also pray for people who are taking good care of the people who are not feeling well,” pagtanto ni Tito Boy.

Ipinahayag din ng TV host ang kanyang paghanga sa kanyang inaanak na si Bimby dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang ina at pagdadasal ng panganay na si Josh.5

PHOTOS: Kris Aquino/Instagram

Instagram