Sa wakas ay inamin na ni Coco Martin at Julia Montes ang tunay na relasyon nilang dalawa.

Sa isang panayam, sinabi ni Coco na 12 taon na silang magkasama ng aktres simula pa noong 2011.

Sa kabila ng tagal ng kanilang relasyon ay wala pa rin umanong pagbabago at gaya pa rin sila ng dati, “Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati.”

Saad pa nito, napapanatili nilang pribado ang kanilang buhay at relasyon dahil masaya raw kapag privacy at walang isyu.

Kung anu man raw ang nakikita ng publiko ay iyon na ‘yun, “Basta kami, hindi naman na kami mga bata. Kung ano ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun.”

Sey naman ni Julia, lubos ang kanilang pasasalamat dahil super blessed sila at ang Panginoon ang sentro ng kanilang relasyon.

“Kung ano ‘yung position namin ngayon, sobrang blessed lang talaga kami. And never nawala sa center si God so hindi nawawala ang mga good stuff. Si God talaga ang center,” pahayag niya.

Instagram