Dinagsa ng mga fans ang concert ng OPM singer na si Moira dela Torre na Moira Tour 2023 nitong Pebrero 3.

“I will never forget that night. Thank you,” sulat nito sa caption ng kanyang instagram post bilang pasasalamat sa kanyang mga fans na dumalo sa kanyang sold out concert na ginanap sa Araneta  Coliseum.

Inawit nito ang kanyang mga pinasikat na Hugots Songs at ang mga bago niyang kanta na “Rewritten Vows”, “Eme”, at “Red Flags”.

Ito ang kauna-unahang world tour ng OPM singer.

Inaasahang magtatanghal pa ito sa iba’t-ibang lugar sa Middle East, USA, at Canada na magsisimula sa February 10 hanggang April 1.

via Trainee Glaiza D. Magtahas

PHOTOS: Moira dela Torre/Facebook

Instagram