Pinabilib ng vlogger na si Lincoln Velazquez o mas kilala sa pangalang Cong TV ang kanyang mga fans sa kanyang transformation pagkatapos ng isang buwan na pag workout.

Sa mga magkatabing larawan sa kanyang Instagram post, ni-reveal ng vlogger ang improvements ng kanyang katawan na hindi maikakaila ang pagbabago.

Say ni Cong sa kanyang post, “Nakakabilib kayang gawin ng isang buwan pag nagdecide ka talaga na may magbago. Excited na ako para sa one year!! Shoutout sa coaches ko for this journey! @marked_floro @jmmmacariola #Believe”

Comment naman ng fitness coach niya na si Mark, “30 days palang to tol! And napakalaki pa ng room for improvement!”

“Sarap mo”, comment naman ng kanyang partner na vlogger din na si Viy Cortez na ni-replyan naman ni Cong ng “para sayo ang laban na to [laughing emojis].”

Pinuri rin ng ibang Filipino personalities tulad nina Dominic Roque, Zack Tabudlo, Tita Krissy Achino, Japoy Lizardo, at Albert Nicolas si Cong sa tagumpay na ito.

Ang kanyang transformation ay bahagi ng isang challenge kasama ang kanyang mga kaibigan also known as “Team Payaman”. Makakatanggap ng P1 Million ang may pinakamalaking pinagbago sa katawan after 1-month na puspusang training.

Instagram