Binasag na ni Daniel usap-usapang hiwalayan nila ng longtime girlfriend niyang si Kathryn Bernardo nang supportahan niya ito sa isang Instagram story.

Pasimpleng pinabulaaanan ni Daniel nitong Biyernes, November 10 ang kumakalat na espekulasyon sa kanila ni Kathryn, nang ibahagi niya sa kanyang Instagram story ang video ng nobya sa Preview kung saan ang aktres ang online cover ngayong buwan.

Kamakailan lang ay kumalat ang chismis na hiwalay na sina Daniel at Kathryn matapos mapag-usapan ni Ogie Diaz sa kanyang vlog sa YouTube.

Nadamay din ang pangalan ng teen celebrity na si Adrea Brillantes.

Ayon kay Ogie, sekretong nagkikita sina Daniel at Andrea.

Dagdag pa niya, “Hanggang ngayon marami pa ring nangungulit sa amin, ‘Sina Kathryn at Daniel Padilla pa rin ba?’

“Talagang pinag-uusapan sa social media yung diumano nga’y hiwalayan ni Kathryn at ni Daniel na ang dahilan daw ay si—siyempre hindi naman ito confirmed, kaya dapat marinig din natin ang panig nila.

“Kasi nililink si Daniel kay Andrea Brillantes.”

Pumalag ang maraming netizens sa pahayag ni Ogie kahit na sinabi nito na wala pang kumpirmasyon ang kanyang ibinalita.

Binansagan pa ng ilan si Ogie na “fake news peddler” dahil sa sinabi nito sa kanyang vlog na wala naman daw basehan.

Hindi ito ang unang pagkakataong napabalitang may problema sa relasyon ng dalawa.

Noong October 31, 2022, itinanggi ni Karla Estrada na hiwalay na ang kanyang anak na si Daniel at girlfriend nitong si Kathryn.

Instagram