Pinagpipistahan ng mga Marites sa social media ang chikang hiwalay na ang showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ito ay dahil walang larawang inupload ang magkasintahan na magkasama sa nagdaang Christmas at New Year.

Nasanay kasi ang mga fans na laging magkasama ang dalawa tuwing may espesyal na okasyon at ibinabahagi nila ang mga larawan sa social media.

Pero ngayong pasko ay walang updated photoang kahit isa sa kanila.

Last Christmas, nag-post si Diego ng larawan niya kasama ang mga kaibigan at showbiz couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sa New Year’s Day, nag-upload din si Diego ng solo picture na may pagbati sa kanyang mga followers.

Samantala, nagpost din si Barbie n solo picture sa IG na mas lalong nagdagdag sa haka-haka ng mga netizens.

“New year new hair, jk happy new year everyone (heart emoji),” maikling caption ni Barbie.

Maraming netizens ang nagsabing baka hiwalay na ang dalawa.

Nito lang nakaraang taon, nasangkot ang dalawa sa iba’t-ibang kontrobersiya.

Instagram