Binuhay muli ng team Vhong, Jugs at Teddy ang mga namayapang komedyante na sina Dolphy, Babalu at Redford White sa kanilang “Magpasikat” performance kahapon sa It’s Showtime.

Gamit ang AI, sinurpresa ng JTV (Jugs,Teddy at Vhong) ang mga viewers pati na ang mga kasamahan nila sa programa habang inaawit nila ang makabagbag-damdaming kanta na “Sana’y Maalaala N’yo Kami.

Ginaya rin nila ang mukha nina Willie Nepomuceno, Rene Requiestas, Kuya Germs, Bert “Tawa” Marcelo, Miss Tapia, Tiya Pusit, Yoyoy Villame, Chichay, Panchito, Tintoy, Palito, Larry Silva, Pork Chop Duo, Apeng Daldal, Ben Tisoy, Sammy Lagmay, Soxie Topacio, Subas Herrero, Tado, Noel “ Ungga” Ayala, Zorayda Sanchez, Bentong, Bernardo Bernardo, Cachupoy, Carding, Chokoleit, Dely Atay-Atayan, Don Pepot, Elizabeth Ramsey, Gary Lising, Ike Lozada, Joy Viado, Mang Tomas at Richie D’Horsey.

Naging emosyonal naman ang veteran actress na si Nova Villa nang makita niya ang kanyang mga kasamahan sa industriya na sumakabilang buhay na.

Ayon naman kay Vhong, bago ang performance ay humingi muna sila ng pahintulot sa mga pamilya ng mga namayapang komedyante.

SCREENGRAB: It’s Showtime/Facebook

Instagram