Inireveal ni Elizabeth Oropesa sa isang vlog ni Snooky Serna na matagal na niyang tinatago na may anak ito sa betiranong aktor na si Dante Rivero.

Ayon kay Elizabeth, “Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba.”

Tinanong naman ni Snooky ang actress kung si Dante ba ang kanyang true love, ang sagot naman niya ay “Of course, we have one son.”

Dagdag pa ni Elizabeth, “Yeah, hindi lang kasi ako madaldal. Noong araw kasi, hindi uso yung…wala naman social media. And then you don’t normally talk about your personal life before.”

Ngayon ay nasa 40 na anyos na ang kanilang anak na hindi na pinangalanan.

Nagkasama sina Elizabeth at Dante sa pelikulang Lumapit, Lumayo and Umaga kung saan dito rin nakuha ng aktres ang kanyang first best actress sa FAMAS.

SCREENGRAB: Snooky Serna Vlog/Youtube

Instagram