Inamin ni Eric Fructoso sa kanyang show guesting sa “Sarap, Di ba?” na naging sila ng Ultimate Media Superstar na si Toni Gonzaga.

Tinanong ng TV host na si Carmina Villaroel ang aktor kung totoo ba ang usap-usapan noon na naging sila ng Toni.

“Totoo bang nagka-relasyon kayo noon ng TV host actress na si Toni Gonzaga?”

Sagot naman ni Eric, “Parang ’di ko inexpect yon ha. Teka, Toni… Toni Gonzaga? Oo, meron.”

Sa pagkukuwento ng kanilang pinagsamahan, tantya niya na tumagal ng halos tatlong taon ang kanilang relasyon.

“Siguro rough estimate—lahat-lahat kasama na ‘yung wala lang tsaka ‘yung may commitment—mga three, almost three years, mga gano’n,” chika niya.

Si Eric Fructoso ay dating miyembro ng ‘Gwapings’ na isang palabas sa GMA network. Kasama niya sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana.

Instagram