Nakatanggap ng maagang pamasko ang Aeta Community sa Botolan, Zambales mula sa “Operation Magic” ni Gerald Anderson, Philippine Coast Guard at ng Star Magic.

Sa Instagram ng aktor makikita ang mga larawan ng pagbisita nila sa nasabing lugar na malapit lang sa Hayati resort ng aktor.

Suot pa ni Gerald ang kanyang Coast Guard uniform habang nakikipagsayaw sa binatilyong Aeta.

Makikita rin ang ngiti sa mga labi ng mga kabataang miyembro ng Aeta community na nakatanggap ng iba’t ibang klase ng mga laruan.

PHOTOS: Gerald Anderson/Instagram

Instagram