Pansamantalang munang papalit sa ‘It’s Showtime’ ang ‘It’s Your Lucky Day’ ni Luis Manzano sa loob ng 12 araw.

Ito ay matapos patawan ng 12 araw na suspensyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime variety show.

Pahayag ng ABS-CBN, pangungunahan ni Luis Manzano ang bagong game variety show kasama ang iba pang mga magagaling na host sa ABS-CBN gaya ni Robi Domingo at iba pa.

“Ang pinakabagong game variety show ng Pilipinas na “It’s Your Lucky Day” ang pansamantalang papalit sa “It’s Showtime” at pangungunahan ito ng Pambansang Host na si Luis Manzano kasama sina robi Domingo, Jennica Garcia, at Melai Cantiveros. Makakasama rin nila ang iba pang special co-hosts at celebrity guests,” saad ng ABS-CBN.

Ipapalabas ito tuwing tanghali mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27 sa Kapamilya Channel, A2Z at GTV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

“Inaanyayahan namin ang mga manonood na patuluyin ang swerte sa kanilang mga tananan at makisaya kasama ang buong pamilya sa It’s Your Lucky Day,” pag-anyaya pa ng Kapamilya Network sa mga manonood.

Instagram