Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang di umano’y pag-unfollow sa isa’t-isa ng celebrity couple  na sina James Reid at Issa Pressman sa Instagram.

Samu’t-saring mga spekulasyon ang kumakalat ngayon sa lahat ng mga online platforms hinggil dito, may mga nanghihinayang at karamihan naman ay nagbubunyi.

Narito ang ilang mga pahayag ng netizens:

“Mainit-init pa! James Reid unfollowed Issa Pressman and Issa unfollowed James Reid too 😭”

“Di pa natin alam ang reason bat nag unfollowed sila sa isa’t isa. Kasi nandiyan pa naman ang pic nila together hindi pa deleted.”

“Ito lang yung chismis na natuwa ako kahit maaga pa kanina. 😂 Wala talagang nagtatagal kapag galing sa __.”

“Wala na tlaga Issa di na gumana ang gayuma 😭”

“Lets not celebrate too much!haha Baka forda clout lng yan ksi mai new MV c James bka nag iingay lng.😅🤭”

Sa ngayon, tikom parin ang bibig ng dalawa sa kabila ng maraming mga sabi-sabi.

Samantala, matatandaang nitong buwan ng Marso lamang kinumpirna ng nasabing couple ang kanilang relasyon.

Mula noon ay ilang beses na ring nag-viral ang kanilang mga public appearance kabilang na ang pinakahuli nitong pagsasama sa isang event kung saan sinabi ng dalawa na “Obsessed” sila sa isa’t-isa.

PHOTOS: Issa Pressman/Instagram

Instagram