Kahit na abala bilang mga magulang sa kanilang first baby, ipinahayag ni Jessy Mendiola na hindi nila nakakalimutan ang kanilang relasyon.

Kahit sa loob ng bahay, hindi na raw ito masyadong nag-aayos, wala na siyang oras para mag-makeup o ayusin ang buhok.

Wala rin silang sapat na oras dahil abala rin si Luis sa trabaho at kailangan nilang maunawaan ang kani-kanilang mga gawain.

Ngunit kapag nakahanap sila ng oras, ginagawa nila ang lahat para maging espesyal ito. Isang gabi, sinabihan ni Jessy si Luis na wala siyang trabaho at maaga matutulog ang kanilang anak na si Rosie, kaya mag-date na lang sila.

Matapos ang ilang panahon, nakapag-date na rin ang dalawa. Hindi nila pinapalampas ang isang buwan na walang date.

Mahalaga sa kanila ito, lalo na sa mga bagong mag-asawa o magulang. Dapat maglaan ng oras.

IG jessymendiola

Si Baby Rosie

Noong December 29, 2022, ipinanganak ni Jessy ang kanilang anak na si Isabella Rose Tawile Manzano.

Ano ang mga kapilyahan ni Baby Rosie o Peanut?

Ayon kay Jessy, hindi na ito nagpapababa. Nagsisimula na siyang umupo mag-isa at nagsisimula na rin siyang kumain ng solid food at naninipa kapag pinapalitan ng diaper.

Nagugulat si Jessy at ang kanyang asawa sa bilis ng paglaki ni Baby Rose, kaya minsan, sinabihan siya ni Luis ng “Number 2?” ‘Wait lang! Hello! Wala pang one year!'” masayang sagot ni Jessy. Masaya at na-aapreciate ni Jessy ang mga experiences ng pagiging isang ina.

Instagram