Nag-bonding sa isang Coldplay concert sina Joshua Garcia at ang kanyang rumored girlfriend na si Emilienne Vigier na ginanap sa Tokyo Dome sa Tokyo, Japan, noong November 6, 2023.

Sa isang Instagram story ni Vigier, ibinahagi niya ang larawan nila ng aktor na may caption na (crying) emoji, “Close to my heart.”

Meron ding post ang dalaga na larawan na kung saan makikita na nakaakbay ang aktor  sa kanya.

Naging matagal din ang naging bakasyon ng dalawa sa Japan dahil October 31 pa lang ay may IG update na si Emilienne, habang si Joshua ay may IG post noong November 2.

Kung matatandaan, noong June 2023, naging usap-usapan sa social media ang ugnayan nina Joshua at Emilienne.

Instagram