Dumalo ng ABS-CBN Ball ang magkasintahan na sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa unang pagkakataon matapos maging kontrobersyal ang kanilang relasyon sa publiko.

Matatandaang noong 2019 ball ay hiwalay silang dumalo kahit kalat na noon ang issue patungkol sa kanilang dalawa.

Ngayon, after 4 years ay magkasama na silang dumalo na sweet na sweet pa.

Ayon pa kay Julia, “I’m really excited to be here, but I’m even more excited that I get to do this together with Ge.”

Sa kabilang banda, sinagot naman ni Gerald Anderson ang katanungan kung napag-uusapan na daw ba nila ni Julia Barretto ang pagpapakasal.

Sinagot naman ito ni Gerald na darating din iyon at para sa kanya ay marami pang ibang problema sa mundo na dapat pag-usapan kaysa sa relasyon nila.

Noong 2019, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon bago ang 37th birthday ng aktor.

Usap-usapan din noon ang alegasyon na si Julia umano ang third party at naging rason ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald.

PHOTO: Gerald Anderson/Instagram

Instagram