Itinanggi ng batikang mamahayag na si Karen Davila na napikon siya kay Senador Imee Marcos.

Nag-viral kasi sa social media ang naging panayam ni Davila kay Marcos sa ANC headstart dahil sa pagbibiro ng senador sa bungad palang ng programa.

Maaalalang sinabi ni Marcos na, “Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines… Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.”

Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilang ipinagtanggol ang mamamahayag at meron ding nagsasabing matagal na siyang kritiko ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaya naman nilinaw ni Davila na hindi siya napikon sa senadora at ibinahagi na humingi ito ng kapatawaran sa kanya sa pamamagitan ng text.

“Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied… ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY’ Yan po ang sagot ko.

“Napikon po ba ako? Hindi po. Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!,” saad ni Davila.

Samantala, hindi naman malinaw kung kailan nagpahayag si Davila na magma-migrate kapag nanalo si BBM.

Instagram