Lumustay ng P105,000 si Kim Chui para sa naging Hongkong dinner niya kasama ang kanyang “It’s Showtime” family sa kanilang bakasyon.

Kumain ang mga It’s showtime hosts sa isang sikat na restaurant sa Hongkong na Seolhamyok.

Maging si Vice Ganda ay nalula sa binayaran ni Kim.

Aniya, “Kino-compute ko ‘yung binayaran mo, ang laki-laki! Para sa isang dinner na ‘to, gumastos ka ng isandaang libo! Para kang nagpa-debut ng pamangkin.”

Sagot naman ni Kim, “Pagkain naman ‘yon. Ok naman ‘yon.”

Ibinahagi ni Kim ang mga ganap sa nasabing dinner sa kanyang Youtube vlog na may titulong “Biglaang HK Trip with Showtime Family (Most Expensive Dinner Ever).”

SCREENGRAB: Kim Chiu/YouTube

MORE stories here https://magazine.radyotodo.ph

Instagram