Sa kabila ng mga balita na pumanaw na siya, nagpost sa social media si Queen of All Media Kris Aquino na nagpapakita na buhay na buhay pa siya.

Sa Instagram post ni Kris nitong February 7 para sa namayapang kapatid na si Noynoy, ipinahayag niya ang mga nais sabihin sa kaarawan nito kalakip ang mga video kasama ang dalawang anak na si Josh at Bimby.

Nagpost din si Kris ng video kung saan makikitang kinukuhaan siya ng nurse ng dugo.

“Sandali ah. Para may proof of life tayo, Ikaw tatanungin ko. What’s today?” sabi ni Kris sa nurse.

“February 7,” sagot ng nurse.

“Thank you. Buhay po ako ah. February 7 today. Happy birthday to my nephew Miguel. Sorry ninang has not greeted you kasi ninenerbyos at bawal ma-stress. So kung aawayin n’yo ko, do it February 8,” sey pa ng aktres/TV host.

Nagpasalamat pa si Kris sa nurse dahil nakita agad nito ang ugat na tuturukan ng karayom.

“Tuwang-tuwa naman ako,” ani Kris. “Because the last time, so that’s January 2, talagang Wala. I was so dehydrated na walang dugo.”

“Ang galing mo. Ikaw na lang forever dapat kumuha ng blood ko,” saad pa ni Kris.

Instagram