Kahit na sumemplang at nagkasugat, masaya pa ring ibinahagi ni Kristoffer Martin ang kanyang experience sa sinalihang triathlon sa Subic Bay.

Makikita sa Instagram post ng aktor ang kanyang mga tinamong sugat nang sumemplang sa bike habang nakikipag-paligsahan.

Ibinahagi niya rin ang kanyang napanalunang trophy nang tanghaling 2nd place.

“Naka Podium tayo sa first triathlon natin mga Kapuso! 2nd place! Sumemplang pa ko sa bike. Nangyayari talaga aksidente pero grabe yung binigay na strength mo sakin Lord! Natapos ko siya dahil sayo,” saad niya sa post.

Pinasalamatan niya rin ang Panginoon pati ang asawa at anak sa suportang ibinigay nang mga ito sa kanya.

“Grabe support system ko sa asawa at anak ko. Thank you mommy @acbanzooon sa pagsupport sakin sa simula pa lang ng nagregister ako hanggang sa race kanina. And kay Prè na grabe magcheer. Ginanahan ako ng malala pag-ahon ko sa dagat nung narinig ko yung sigaw niya. Pati sayo @philii.calii.doe jusko kabado ka rin ramdam ko salamat sa pagtakbo para makuhanan ako. Haha,” sey pa ng aktor.

📷: Kristoffer Martin/Instagram

Instagram