Inamin ni Mikoy Morales sa Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon siya ng “conflict” sa beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Tinanong kasi siya ng host na si Boy Abunda kung sino ang nakaalitan nitong aktor.

Sinagot niya ang pangalan ni Jaclyn Jose pero hindi naman raw nito ikinukunsiderang alitan ang nangyari dahil hindi naman sila nagkasagutan.

“I wouldn’t consider it as alitan kasi hindi naman kami nagsagutan. Pero… Jaclyn Jose,” aniya.

Ayon sa aktor, nangyayari talaga ang mga ganitong “conflict” sa trabaho pero hindi trabaho ang dahilan kung bakit siya umiiwas kay Jaclyn.

“Nangyayari sa trabaho, pero hindi siya dahil sa trabaho. Isa ito sa mga… maybe, madalas mangyari, but I took personally,” sey niya.

Hindi na ito dinetalye ng aktor pero nakuwento niya ang nangyari, “Maybe it’s something like that which kinda scarred me. To the point na I would get anxious when I would think of stepping in set with her there.”

Hanggang ngayon din aniya ay hindi pa sila nagkakaayos nito at kung may mga pagkakataon na magkita sila ay umiiwas talaga siya rito.

PHOTOS: Mikoy Morales (Facebook), Jaclyn Jose (Instagram)

Instagram